BY ROWENA AGILADA
*
Ayaw magsalita ni Sheryl Cruz hinggil sa reklamo ng isang diumano’y female friend niya. Nagsumbong ito sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa diumano’y utang sa kanya ni Sheryl na hindi pa daw nito nababayaran.
Ayon kay Sheryl, nasa bakasyon pa ang kanyang abogado at ito na ang bahalang umayos ng inirereklamong isyu ng kaibigan. Isang health worker na OFW ang complainant na nagpakilalang Alyas Alex.
Pahayag niya kay Raffy, tinulungan niya si Sheryl noong kumandidato ang aktres bilang konsehal sa 2nd district ng Tondo, Manila. Pinondohan daw niya ang dalawang dance contests ng aktres.
Sinabihan daw siya ni Sheryl na babayaran siya paunti-unti. Unfortunately, natalo ito sa eleksiyon. Ayon pa kay Alex, dahil wala pang trabaho that time si Sheryl ay hindi muna niya ito siningil sa utang nito.
Noong nagte-taping na si Sheryl sa isang teleserye ay pinuntahan niya ito. Pero iniwasan daw siya ng aktres. Noong puntahan niya ang aktres sa bahay nito sa isang subdivision, hindi siya pinapasok ng guard dahil bilin daw ‘yun ni Sheryl.
Hindi raw pinapansin ni Sheryl ang kanyang mga tawag sa telepono at messages niya sa socmed platforms nito, kaya napilitan na siyang lumapit kay Tulfo.
Ayon naman sa isang kaibigan ni Sheryl, maliit na halaga lang ang utang nito kay Alex. Ayon naman kay Sheryl, hindi ‘yun hiram. Well, sana’y maayos ang isyu sa kanila.
Nagbalik na
Balik-taping na si Dingdong Dantes ng “Amazing Earth” at mapapanood ang bagong episode nito on July 26. Mukhang sa roof top ng GMA Annex building ang location at kakaunti lang ang production staff na naka-face masks lahat.
Ani Dingdong, inaalis lang niya ang kanyang face mask kapag nagsasalita siya on camera. Bago ang taping, tiniyak ng GMA management na safe lahat ng involved sa pagtatrabaho.