BY ALEX CALLEJA
*
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Isa sa mga naapektuhan ng COVID-19 eh ang NBA o National Basketball Association. Natigil ang mga laro dahil sa posibleng magkahawaan ang mga players. Madaming mga players ang nagkaroon, ang iba eh mga sikat pa. Magsisimula na ang NBA ulit pero habang papalapit eh mas lalong dumadami ang mga NBA players na positive sa COVID-19. Paano kaya sila makakalaro kung marami ang positibo? May masusuggest ka ba Tito Alex?
Kier ng Cabanatuan
Hi Kier,
Naku, mahilig din ako sa NBA at ang paborito ko eh ang Los Angeles Lakers! Kakainis nga kasi ang ganda ng nilalaro nila bago magpostpone ang NBA dahil sa hayop na COVID-19 na ‘yan. Pero ‘yun nga, malapit na ulit mag-resume pero following protocols sila. Kaya lang, habang papalapit eh madami ang nagiging positibo sa COVID-19. Pero may naisip akong paraan na puwedeng gawin ng NBA. Tutal madami na naman ang mga players na positive, gumawa sila ng dalawang liga. Isang liga para sa mga walang COVID-19, ang isang liga para sa mga positibo sa COVID-19. At least kapag puro sila positive, walang mahahawa. Baguhin din nila mga pangalan nila tulad ng Toronto Virus, Philadelpia COVID-19ners, at Golden State Asymptomatics! Magandang laban ‘yan!
*
Hi Alex,
Nabalitaan ko na nagdemanda daw ng isang student si Sen. Bong Go. Pinadalhan daw ng subpoena ang student dahil nagpakalat daw ito ng fake news. Ano bang fake news ang pinakalat ng student?
Frelyn ng Makati
Hi Frelyn,
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong fake news. Pero ‘wag natin pag usapan baka madamay tayo. Mahirap ngayon. Dapat ang lolokohin mo lang sila VP Leni Robredo at mga opposition para ligtas ka. Basta ako, I love our government! I love our President, and I love Bong Go!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007