BY JUN NARDO
Dinaig ni Jennylyn Mercado ang ibang Kapamilya stars na walang takot buweltahan si Senator Ronald “Bato” de la Rosa.
Kaugnay ito sa isang pahayag ng senador sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.
Kahit Kapuso artist, patuloy na nakikisimpatiya si Jen sa kawalan ng prangkisa ng Channel 2. Pati pagbatikos sa gobyerno kaugnay ng mga pahayag sa COVID-19, bira lang siya nang bira!
Keber naman ni Jennylyn kung boykotin ang projects. Basta siya, hindi mananahimik!
Sayang nga lang at hindi sumama si Jen sa noise barrage na isinagawa ng employees at supporters ng Kapamilya network. Nagsama sana sila ni Angel Locsin na lumabas ang pagiging matapang sa pagsasalita!
Binanatan din ni Gel ang ilang Kapamilya stars na dedma sa nangyayari. Sigaw niya, “May career pa ba kayo? Wala na. Wala na kayong network!”
Sa Kapuso network nagsimula ng career si Gel bago lumipat sa Kapamilya channel.