BY JUN NARDO
*
WALANG relasyon ang Thai billionaire at Chief Executive Officer ng JKN Global Media na si Anne Jakrajutatip at Fil-German model Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Miss Universe Catriona Gray.
Eh sa kontrobersiya ngayon na kinasasangkutan nina Clint, Catriona at BF niyang si Sam Milby, kumalat sa social media ang litrato nina Anne at Clint na magkasama sa Bangkok noong October 1, 2019.
Eh nitong nakaraang mga araw, panay posts ng Fil-German model ng cryptic messages sa kanyang Instagram Stories na wari’y may pinapatamaang tao kaya nahiwagaan ang mga netizen.
Niliwanag ng bilyonarya ang tanong ng followers niya sa mga post sa IG account.
“I don’t want a man who is a PSYCHOPATH in my life. I’m tired of German sausage.”
Sagot niya sa isang tanong, “He’s a good man who needs to be trained. Having the right mindset is the issue.”
Sa isang pahayag naman ni Clint, “sidekick” lang niya si Anne.
Diin ng bilyonarya, hindi niya boyfriend si Clint dahil may soulmate na raw siya. Malaki rin ang agwat ng edad nila kaya kapatid lang ang tingin niya sa ex-boyfie ni Catriona.
Forty-one-years-old na si Anne habang 26 years old si Clint.