By RUEL J. MENDOZA
*
Nag-share ang mag-asawang Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young kung paano mag-budget sa latest episode ng kanilang podcast na “#BehindRelationshipGoals.”
Habang ang ibang married couples ay may joint accounts, pinili nila Mikael at Megan na magkaroon ng magkahiwalay na accounts.
Ang kay Mikael ay ginagamit para sa ilang expenses gaya ng credit card bills, groceries, at household expenses samantalang lahat naman ng income ay pumapasok sa account na nakapangalan kay Megan.
Kuwento ni Mikael, apat na taon na raw nilang ginagawa ang naturang sistema at nasanay na sila sa ganoong paraan ng pagba-budget.
Bukod daw sa mas organized dahil nakikita nila ang lahat ng kanilang expenses sa isang account lang, may positive psychological effect din daw na makita ang lahat ng pumapasok na pera sa iisang account.
“I think those two are the most prominent motivations for using this style of finance, so organization and clarity and good vibes,” sey ni Mikael.