BY RUEL J. MENDOZA
Magkakaroon ng isang tribute para sa pumanaw na filmmaker and visionary na si Peque Gallaga.
Pumanaw ang award-winning film director noong May 7, 2020.
Ire-release ang thriller trilogy titled “Quarantina Gothika” sa Remembering Peque Gallaga Facebook Page.
Bida sa naturang proyekto na mula sa direksyon nila Lore Reyes, Christian Acuna at Jo Macasa ay sina Solenn Heussaff, Giselle Toengi at Michelle Gallaga.
Unang pelikula ni Solenn ang dinirek ni Peque na “Seduction” noong 2013.
Si Giselle naman ay nakatrabaho ang yumaong direktor sa pelikulang “Diliryo” in 1997.
Si Michelle na isa sa limang anak ni Peque, ay nakatrabaho ang kanyang ama sa mga pelikulang “Tiyanak” (1988), “Shake, Rattle & Roll 3” (1991), “Adventures of Gary Leon at ang Kuting” (1992).