BY JUN NARDO
*
Dalawa ang ipinalit kay Liza Dino bilang kapalit niya sa Executive Committee ng Metro Mania Film Festival na kamakailan ay inalis ng Chairman ng Execom at Metro Manila Film Development Authority Danilo Lim.
Ang kapalit ni Dino ay ang director-actress na si Laurice Guillen at Arsenio “Nick” Lizaso, na kasalukuyang Presidente ng Cultural Center of the Philippines.
“Their track record speaks for themselves,” bahagi ng statement ni Lim.
Sa ingay na nilikha ng pag-aagawan sa MMFF ng MMDA at Film Development Council na pinamumunuan ni Dino, naglabas ng pahayag ang dating senador na si Jinggoy Estrada nang ma-zoom interview siya ng ilang press.
“Originally, that was founded by my father, 1975, okay?
“It was Mowelfund who was handling the MMFF.
“When President Cory (Aquino) assumed power, she handed ito to MMDA or MMC during her time, biglang nawala sa Mowelfund ngayon.
“Originally waived ‘yung mga amusement tax. So they have the cooperation of 17 Metro Manila Mayors. Kaya siguro naisip ni President Cory na ibigay sa MMDA ‘yon,” pahayag ni Sen. Jinggoy.
Nu’ng naging president si Joseph, sinabi niyang ibalik ang MMFF sa Mowelfund dahil walang knowledge sa movie industry ang MMDA.
“Kaso bigla namang natanggal ang tatay ko…eh history na ‘yon,” sabi pa ni Jinggoy.
Sa kaugnay na balita, handa namang mag-usap sina Dino at MMDA Spokesperson Celine Pelagio sa girian ng MMDA at FDCP tungkol sa movie festival tuwing December.