BY ROWENA AGILADA
Kinakalinga ngayon ng Iglesia ni Cristo ang dating aktor na si John Regala na may liver cirrhosis. Utal na siyang magsalita. Wala siyang kamag-anak na maasahang tumulong sa kanya. May problema pa sila ng kanyang asawa.
Last January this year ay namatay ang kanyang mommy Ruby Regala na labis na ikinalungkot ni John.
Nagpaabot na ng tulong sina former Manila Mayor Joseph Estrada at anak nitong si former Senator Jinggoy Estrada, Senator Bong Revilla at ibang dating kasamahan sa showbiz ni John. May mga nagbibigay din ng gamot.
Walang Iwanan
Kapuso pa rin si Willie Revillame. Pumirma siya ng another one-year contract sa GMA Network. Nagpasalamat siya sa management na tinanggap siya ng buong puso, walang kundisyong ibinigay.
Wish ni Willie na magka-live audience na ang “Tutok to Win Sa Wowowin.” Nami-miss na niya ang mga yakap at halik ng audience.
For now, kahit live ang “Tutok to Win Sa Wowowin,” limitado pa rin ang mga taong kasama ni Willie sa studio ng Wil Tower. Pina-disinfect niya ‘yun noong naging positibo sa COVID-19 ang co-host niyang si Donita Nose. Nasa emergency room ito ng isang hospital dahil wala pang available room para sa COVID-19 patients. Nagpaabot na rin ng tulong si Willie.
Nagpa-rapid test siya at ang mga kasama niya sa TTW at lahat sila’y negative ang resulta. Nagpa-anti-flu at anti-pneumonia vaccines din sila.
Monthsary
Three years and two months na together sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Kamakailan ay nag-celebrate sila ng kanilang monthsary. Dahil hindi sila makalabas para kumain sa restaurant, nagpunta si Jak sa bahay nina Barbie. Nagluto si Jak ng shabu-shabu na kanilang dinner.
Barbie asked him kung siya na ba ang “the one” for him. “Oo naman,” ani Jak na ikinakilig ni Barbie. Talaga lang, ha?