BY JUN NARDO
*
Puwede nang mag-taping ng TV shows at shooting ng movies.
May palihim na nagsu-shoot dahil sa mahigpit na health protocols na ipinatutupad. Siyempre, kapag big scene ang kukunan, mas maraming taong kailangan sa set, staff man o mga artista.
Eh nitong nakaraang mga araw, naglabas ng statement ang Department of Health, Department of Labor at Film Development Council of the Philippines kaugnay ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-001 tungkol sa Health and Safety Protocols for the Conduct of Film and Audio-Visual Production Shoots and Audio-Visual Activities during COVID-19 Pandemic.
Nagtanong ang lawyer-producer-lawyer na si Atty. Joji Alonso sa post niya sa kanyang Facebook page.
“Sa dinami-dami ng industria sa bansang ito, na di hamak mas malaki ang bilang ng work force at mas malupit ang working conditions – bakit tila ang film, television and advertising industry lang ang katangi-tanging inisyuhan ng joint administrative order ng DOH at DOLE for its work protocols?”
Member ng Philippine Motion Producers Association of the Philippines na hindi sumasang-ayon sa health protocols na inilabas ng FDCP.