BY DANTE A. LAGANA
*
Patok ang pag-po-post ng black and white photo challenge sa socmed accounts. Simpleng tao man, Pinoy celebrities o maging foreign celebrities ay kumakasa sa ganitong klaseng hamon.
Pero ano nga ba ang nasa likod ng challenge na ito? Nasagot ang katanungan nang maliwanagan at tumugon sa black and white photo challenge ang premyadong aktres na si Cherie Gil, sa larawan nakuha ni Mark Nicdao.
Sa picture ay nakatungong nakapikit ang aktres habang ang kaliwang kamay ay may tangan na sigarilyo at tila masakit ang ulo niya.
Sa tulong ng kanyang loving daughter na Si Bianca Rogoff nalaman ni Cherie Gil kung ano ang nasa likod ng challenge na ito.
“Started in and because of Turkey after all, where women are being abused both physically and emotionally by men. Some, by their own Partners, even to the point of their demise. Still happening now.
“So here I am again and in support of #womenempoweringwomen. I challenge all my SHERO friends to continue to do the same…”