BY RUEL J. MENDOZA
*
In mourning ang pamilya ni Mikee Quintos dahil sa pagpanaw ng isang malapit nilang kaibigan at kasamahan sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang lungsod.
“Mga ate ko umiyak, si mom ko, when they heard the news, it was really sad. ‘Yung thought pa na, okay hindi ako iiyak pero…Nakakaiyak lang na ‘yung thought na walang burol, hindi puwedeng magburol. Inikot nila ‘yung coffin niya in a car sa barangay tapos sobrang biglaan lang ng lahat,” emosyonal na pahayag ni Mikee.
Naaawa si Mikee sa naulilang pamilya ng kanilang kaibigan, kaya ang kanyang single na “Ngayon” ay alay niya sa mga nahihirapan dahil may nawala silang mahal sa buhay sa gitna ng COVID-19 crisis.
“I’m praying for everyone who lost a loved one during the COVID pandemic.
“‘Pagkatapos nito, babalik pa sa dati ang ating mundo.’ ‘Di natin sure ‘yun eh, ‘di ba? So pagdating sa chorus, ‘yung message it revolves around ‘Habang wala pa tayo sa bukas,huwag nang sayangin pa ang oras.’ I really like how it sends positive feeling, as in good vibes siya,” sey ni Mikee.