By JUN NARDO
Umaapaw ang kilig moments kina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa bagong TV commercial ng catsup na pinagsamahan nila.
Si Dong ang nagdirek ng commercial kung saan bahagi nito ang buhay nila habang quarantine – si Yan bilang isang ina sa mga anak habang si Dong ay ang negosyo naman ang inaasikaso.
May pasilip pa ng instant date ng mag-asawa sa kitchen para kumain.
Sa Instagram post ng GMA Primetime King, “Kahit gaano ka-busy, kailangan may sneaky-sneaky para lalong happy. #JoseEnMaria.”
Sweet naman ang post ni Yan sa kanyang IG: “Basta kasama na kita, wala na akong ibang ending na hahanapin pa. Naks!”
Sa totoo lang, kahit may dalawa nang anak, kinilig pa rin ang ilang celebrities sa lambingan ng mag-asawa gaya nina Iya Villania, Valeen Montenegro, Janno Gibbs; habang ‘yung iba ay pinuri and direksiyon ni Dingdong sa TVC na para raw short film.