BY RUEL J. MENDOZA
*
Pinay ang nanny ng Hollywood comedienne na si Amy Schumer.
Noong lumabas ang complete list ng 72nd Emmy Awards nominees, nakakuha ng nomination si Amy para sa hinu-host niyang show sa The Food Network na “Amy Schumer Learns to Cook.” At ang kanyang Pinay nanny na si Jane ang isa sa pinasalamatan niya.
Si Jane raw kasi ang kanyang camera man kapag tulog ang anak niyang si Gene na inaalagaan ni Jane.
Sa kanyang Instagram, pinost ni Amy ang photo nila ni Jane at sine-share niya rito ang nakuhang Emmy nomination ng kanilang show.
“We got nominated for an Emmy today (Chris too. But mostly us),” caption ni Amy.
Full-time student at part-time nanny si Jane sa mag-asawang Amy Schumer at James Beard.
Mahal ni Amy si Jane kaya minsan ay sinasama niya ito sa kanyang mga IG post.
“This is our nanny who makes it possible for me to work and know that our baby is happy and healthy. I love her very much and we also both want to have nice skin,” post pa ni Amy sa IG.
Ikinatuwa rin ni Amy na kilala siya ni Jane sa Pilipinas bilang isang celebrity.
Nagbida si Amy sa mga pelikulang “Trainwreck,” “I Feel Pretty” and “Snatched.” May sarili rin itong comedy show na “Inside Amy Schumer.”