BY ROWENA AGILADA
*
Getting better na ang kalagayan ni Michael V. na COVID-19 survivor. By this time, natapos na niya ang 14-day self-quarantine sa bahay nila.
Aniya sa kanyang latest vlog, wala na siyang nararamdamang sintomas.
Hindi daw biro ang pinagdaraanan ng isang COVID-19 positive. Lungkot ang matinding kalaban. Naka-isolate siya sa isang kuwarto sa bahay nila. Naririnig lang niya ang mga usapan at tawanan ng kanyang pamilya. Hindi niya malapitan, mahalikan o mayakap ang mga ito.
Nakaranas ang kanyang pamilya ng harassment at panghihiya mula sa ibang tao. Iniiwasan, kinatatakutan at pinandidirihan.
Pasalamat na lang si Michael na mild lang ang kaso niya. Hindi na kailangang i-confine siya sa hospital. Duda niya, sa online deliveries niya nakuha ang virus. Nag-order siya ng ilang items para sa kanyang studio sa bahay nila. Excited siyang agad binuksan na hindi muna niya na-sanitize ang mga ‘yun.
Kapag puwede na, magdo-donate si Michael ng blood plasma para sa mga patients with severe case of COVID-19.
Hinangaan
Bongga naman ni Jo Berry, ang little person na bumida sa “Onanay” at gumanap bilang ina ni Alden Richards sa “The Gift.” Ipinalabas sa Ecuador sa Latin America ang mga naturang GMA series, kaya kilalang-kilala roon si Jo.
Hinangaan ang performance niya at nainterbyu pa siya via Zoom sa isang morning show doon. Ani Jo sa “24 Oras,” kinabahan siya dahil napalaban siya sa Inglisan. Noong una raw, inisip niya na baka hindi niya kayanin.
Thankful si Jo na napansin ang performance niya sa naturang dalawang GMA series.
Sa panahon ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, baking ang pinagkakaabalahan ni Jo. Masarap daw ang kanyang banana cake.