BY JUN NARDO
Lumayas na sa Poblacion, Makati ang negosyong kainan ni Carla Abellana na naging tahanan nito sa loob ng apat na taon.
Naapektuhan din ng pandemic na dala ng COVID-19 ang negosyo ng girlfriend ni Tom Rodriguez kaya sa mas murang renta at malapit sa tao ang pinili niyang lokasyon sa Pop Up, Loyola Heights, Katipunan Avenue, Quezon City.
Tuloy man ang negosyo, limitado naman ang oras ng operasyon nito mula Thursdays to Sunday, 11 a.m. to 7 p.m. Puwede ring mag-take out at magpa-deliver.
Ibinahagi ni Carla ang mga masasayang alaala at achievements sa lugar sa kanyang Instagram.
Wala ring katiyakan kung kailan babalik sa taping ng “Love of My Life” si Carla at habang wala, napapanood ang reruns ng series niyang “My Husband’s Lover” kung saan nagsimula ang pag-iibigan nila ni Tom.
Sa totoo lang, inaabangan na lang ng fans kung kailan magpapakasal sina Tom at Carla, huh!