BY ROWENA AGILADA
Sa pamamagitan ng ACTOR (League of Filipino Actors) na binuo ni Dingdong Dantes ay nagsanib-puwersa ang Kapamilya at Kapuso stars sa paggawa ng video bilang tribute sa medical frontliners na higit kailanman ay itinuturing na mga bagong bayani sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Pagmamahal, pagmamalasakit, pagpapahalaga at pasasalamat sa frontliners ang buod ng video.
Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe ay sina Piolo Pascual, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Marian Rivera, Janine Gutierrez, Cherie Pie Picache, Joel Torre, Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria, Anne Curtis, Sunshine Dizon, Dingdong Dantes at marami pang iba.
What about Mowelfund na pinamumunuan ni Rez Cortez? Gumawa rin kaya sila ng tribute sa frontliners? Eh, ang Actor’s Guild na si Camarines Sur vice-governor at singer na si Imelda Papin ang presidente?
LOCKDOWN
Naka-lockdown sa USA si Rufa Mae Quinto kasama ang American husband niyang si Trevor Magallanes and their 3-year old daughter na si Athena.
Sa panayam ng PEP kay Rufa, sinabi niyang nagpunta silang mag-ina sa USA noong October last year para mag-apply ng US citizenship. January this year ay nakabalik pa sila sa Pilipinas at two weeks silang nag-stay. Then balik-USA sila at doon na sila inabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Nakabili na sila ng bahay sa San Mateo California. Ani Rufa, okey naman ang buhay nila roon. Pero nami-miss pa rin niya ang showbiz life dito sa Pilipinas.
Dating financial analyst ang husband niya bago ito nag-training sa San Francisco Police Academy.
WISH
Feel ng Kapuso teenstar na si Sofia Pablo gumanap bilang isang mermaid at wish niyang i-remake ang “Dyesebel” na pinagbidahan ng idol niyang si Marian Rivera.
Bata pa’y mahilig nang lumangoy si Sofia. Nag-aral pa siya ng mermaid style. Ayon sa “Prima Donnas” star, isang malaking karangalan kung siya ang gaganap bilang Dyesebel sakaling i-remake ito ng GMA-7.