BY RUEL J. MENDOZA
Nagulat si Miguel Tanfelix sa 2.5 million followers niya sa TikTok. Hindi raw niya inasahan na biglang dadami ang followers niya dahil parang kelan lang siya nagsimula na gumawa ng videos para sa TikTok.
“Thankful po ako sa mga followers natin dahil sila ang nagbigay ng sigla sa akin para gumawa pa ng maraming videos.
“Sinimulan ko sa pag-post ng workout videos na puwedeng gawin during quarantine. Tapos sinundan ko na ng mga dance videos. Gustung-gusto nila yung nga transitional videos na ginagawa ko.
“May effort po ang lahat ng videos na pinu-post kaya siguro maraming natutuwa,” ngiti ni Miguel.
Isa pang pinapasalamat ni Miguel ay ang pagkuha sa kanya bilang bagong ambassador ng isang international clothing brand.
“Isa po sa pinapasalamat ko yan dahil dumating ang blessing na yan during quarantine. Natuwa ako dahil sa rami ng mga puwede nilang kunin para maging endorser ay tayo pa ang napili. Kaya thank you sa opportunity na ito,” pasasalamat ni Miguel.