BY RUEL J. MENDOZA
*
Kahit may COVID-19 pandemic, wagi pa rin ang Pilipinas sa mga international film festivals.
Kamakailan ay nanalong best actor sa 17th Asian Film Festival in Rome, Italy ang 19-year old indie actor na si Elijah Canlas para sa pelikulang “Kalel, 15.”
Ginampanan ni Elijah ang isang 15-year old na anak ng isang pari at na-diagnose na may HIV.
Dinirek ito ni Jun Lana at mabilis siyang nagpadala ng congratulations sa kanyang aktor na kasalukuyang kasama sa web series na “Game Boys.”
“The great thing about Elijah is that he’s a chameleon. When he takes on a role, he becomes the character, and you can’t imagine it being played by anyone else. He’s a gifted storyteller and he really works so hard at it,” puri ni Robles.
Nagulat at natuwa si Elijah nang natanggap niya ang good news na ito.
“This means the world to me. Thanks, direk! For trusting me and squeezing the best out of me. I promise to always work hard. Just like what tito Eddie told me. No doubt. Congrats din po!” tweet ng aktor.