BY ROWENA AGILADA
COVID-free na si Michael V. Aniya sa malapit na kaibigang reporter na si Gorgy Rula, okey na ang pakiramdam niya. Natapos na niya ang 14-day self-quarantine sa bahay nila.
Kailangan pa niyang magpa-swab test muli dahil gusto niyang mag-donate ng kanyang blood plasma para sa COVID patients. Required siya ng dalawang negative PCR swab tests bago siya makapag-donate.
Payo ni Michael sa mga na-test na COVID positive, iwasang ma-stress dahil nakakapagpahina ‘yun ng immune system. Think positive at magdasal. Kapit lang kay Lord.
Ang isa niyang anak ay may lagnat, kaya ipina-isolate na nila. Naka-self-quarantine na at ipina-test na.
NAKIKITIRA
Mariing itinanggi ni Mark Anthony Fernandez ang hinala ng ibang tao na wala na siyang pera kaya nakikitira na lang siya sa bahay ng isang kaibigan sa Pampanga.
Diumano rin, nauwi sa wala ang pamana sa kanya ng yumao niyang ama na si Rudy Fernandez. Sa panayam ng PEP ay nilinaw ni Mark na ang bahay sa White Plains,QC ay ibinigay niya sa anak niyang si Grae.
Ani Mark, nakikitira siya sa isang kaibigan dahil umiwas siya sa COVID. Nag-away din sila ng second wife niya. Aniya pa, may pera siya dahil may 10-picture contract siya sa Viva Films. So, there!