BY RUEL J. MENDOZA
*
Magkakaroon ng US premiere ang pelikulang pinagbidahan ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez na “Babae at Baril” na ipinalabas noong 2019.
Napili ang psycho-thriller film ni Janine para sa opening ng New York Asian Film Festival na magsisimula sa Aug. 28 hanggang Sept. 12.
Ang tema ng line-up ngayong taon ay women filmmakers at Korean movies.
Post ng aktres sa Instagram: “So excited and soo fffffing wish we could actually go to NY for the North American premiere at the NYAFF but, nonetheless congrats to the team! Babae at Baril is available in the Philippines on Cignal Play streaming. I hope you get to see it. So proud to be part of this female-led team.”
Sa “Babae at Baril,” ginampanan ni Janine ang isang sales lady na galing sa probinsiya. Magkakaroon ng pagbabago sa kanyang buhay matapos makapulot ng baril.
Nagwagi si Janine bilang Best Actress sa 2019 QCinema Film Festival.