BY RUEL J. MENDOZA
Bukod kay Michael V., si Antonio Aquitania ang isa sa naiiwang original cast ng long-running gag show na “Bubble Gang.”
Nagsimula ang “Bubble Gang” noong 1995 at nagpaalam na ang maraming naging cast members tulad nila Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Assunta de Rossi, Susan Lozada, Toni Gonzaga, Eric Fructuoso, Maricar de Mesa, Ogie Alcasid, Ara Mina, Rufa Mae Quinto, Francine Prieto, Diana Zubiri, Boy 2 Quizon, Wendell Ramos at marami pang iba.
Kung bakit nananatiling loyal si Antonio kahit na may offer siya noon sa ibang network, ay dahil mahal niya ang Bubble Gang at ang GMA Network.
“‘Yung loyalty, nandoon eh. ‘Yung nagsimula ako doon sinabi ko kailangan hindi ako aalis.
“Well may mga chance naman, pero alam mo ‘yun mahal mo eh. Mahal mo ‘yung show.
“‘Yung GMA naman hindi naman ako pinabayaan, alam mo ‘yun. Meron laging soap, meron silang ibang ibinibigay.
“‘Yun na ‘yung pinakabasehan ko na bakit ako aalis or ‘di ba kahit nagkaroon ng offer sa iba. Stay ka na lang kasi mahalin mo kung ano meron diyan.”
Kasama rin si Antonio sa teleserye na “Descendants of the Sun” na malapit na uling mag-resume ng taping after almost six months.