BY ROWENA AGILADA
This week na personal na mamimigay si Willie Revillame ng cash assistance sa mga jeepney driver. P 5-million na aniya, mula sa sarili niyang ipon ang ipamimigay niya.
Nakipag-coordinate si Willie sa LTFRB na aniya, nag-usap na ang lawyers nito and his legal advisers para kung saan makukuha ng mga leader o presidente ng iba’t ibang drivers association ang cash assistance na ibabahagi sa mga miyembro.
Ani Willie, malapit sa loob niya ang jeepney drivers dahil Willie ang pangalan ng unang jeepney noong 1940’s.
Bukod sa cash assistance, mamimigay din si Revillame ng face masks, face shields at jacket.
Namigay din si Willie ng P100,000 each sa naiwang pamilya ng apat na OFW’s na namatay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.
PINASALAMATAN
Isa si Willie Revillame sa mga unang pinasalamatan ni Donita Nose noong naging COVID-19 positive siya at na-confine sa isang hospital. Taliwas ito sa naiulat na hindi binanggit ng stand-up comedian si Willie.
Nakalabas na si Donita sa hospital na aniya sa isang radio interview, pinasalamatan niya si Willie. Ito nga ang unang tumulong sa kanya. Waiting na lang siya sa tawag ni Willie o ng staff nito kung kailan siya babalik bilang co-host sa “Tutok to Win (Wowowin).”
Tulad ng ibang COVID patients, nakaranas si Donita ng discrimination. Aniya, noong sunduin siya sa bahay nila ng ambulansiya na may mga naka-PPE’s, nakatingin ang ilang mga tao sa kanya na para bang pinandidirihan siya.
Noong nakauwi na siya ng bahay galing hospital, may mga nagsabi raw na, “Ay, andiyan na pala siya” na parang iniiwasan at pinandidirihan pa rin siya. Ani Donita, naiintindihan niya kung bakit gano’n ang reaction nila.
Duda niya, dahil sa pagda-diet, kaya nagka-COVID siya. Humina ang resistensiya niya.