BY ALEX CALLEJA
*
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Nabasa ko sa balita na may vaccine na galing sa Russia. Nabasa ko rin na nagbiro pa ang president (o baka seryoso siya) na siya ang unang magpapaturok. Natuwa na sana ako pero nabasa ko rin na hindi dapat magsiguro sa vaccine galing sa Russia kasi masyado daw mabilis at hindi dumaan sa normal na proseso. Baka raw delikado ito at hind maging epektibo. May nabasa rin ako na 50% to 60% ang bias nito dahil masyadong agaran ang paglabas. Nabasa ko rin sa isang news article na kaya ginagawa ito ng Russie eh para magpasikat at maging malakas sa world politics. Ano ba an gang masasabi at opinion mo dito Tito Alex?
Kimpee ng Malolos
Hi Kimpee,
Halatang-halata na mahilig kang magbasa kasi lahat ng mga sinabi mo eh puro nabasa mo lang. Pero ito ang sagot ko base sa nabasa ko lang. Totoong minadali ang vaccine galing sa Russia. Pero inaasahan ko talagang madaliin ng Russia ang vaccine kasi kilala sila sa mabilisang proseso! Kaya nga silang tinawag na Russia kasi lahat ng mga ginagawa dun eh RUSH SIYA!
*
Hi Alex,
Baka daw dapat magsuot na ng facemask sa loob ng bahay. Kung totoo ito eh lalo kaming mahihirapan. Wala na nga kami mabiling pagkain eh kailangan pa ngayon magfacemask sa loob ng bahay! Dagdag gastusin na naman. Bakit ba kailangang magsuot ng facemask eh nasa loob ka na nga?
Milagros ng Cainta
Hi Milagros,
Napag-alaman kasi sa pagaaral na sa loob ng bahay mas madalas magkahawaan! Sundin na lang natin. Kapag walang mabiling facemask, gumawa na lang ng mga improvised facemask. Pwedeng tela o kaya kahit lumang damit. OK na rin na naka-facemask sa bahay lalo na sa mga mag-asawa para maiwasan ang away. Kahit magsimangot ka o sumagot ka misis mo, hindi mahahalata kaya malaking tulong na rin. Hindi mo na rin maaamoy ang hininga ng mga kasama mo sa bahay.
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.