BY ROWENA AGILADA
Sa kanyang vlog ay nagpasalamat si John Regala sa mga taong tumulong sa kanya noong naospital siya. Nakarating sa kanya ang sentimiyento ng mga ito dahil sa kanyang pagiging pasaway. Nagpilit si John lumabas ng ospital kahit hindi pa siya fully recovered sa sakit niya.
Aniya, kahit may sakit siya, may karapatan pa rin siyang mag-desisyon para sa sarili niya. Natakot siya na baka hindi niya mabayaran ang hospital bill. At saka, mas komportable siyang sa bahay na lang magpagaling.
May tsika na diumano, kinukuwestiyon ni John ang perang donasyon sa kanya. Ayon sa mga taong tumulong sa kanya, lahat ay idineposito nila sa binuksan nilang account para kay John sa isang bangko. Nabuo rin nila ang hospital bill sa tulong na rin ng mga taong sumuporta kay John.
NAUDLOT
Nakansela ang anniversary concert ni Alden Richards na dapat ay gaganapin noong July 25 kung hindi dahil sa COVID-19 pandemic. In line ito sa 10th year niya in showbiz.
Ani Alden, itutuloy pa rin ‘yun kapag okey na ang sitwasyon sa ating bansa.
Dahil sa pandemic ay apektado ang restaurant business ni Alden. Pero aniya sa “24 Oras,” hindi sila nagtanggal ng mga empleyado. By schedule na lang ang pasok ng mga ito para lahat ay may trabaho.
Bukod sa cash assistance ay namigay din si Alden ng bigas sa mga ito.
Feeling blessed ang Kapuso actor dahil sa gitna ng pandemya ay tuluy-tuloy pa rin ang offers sa kanya para sa product endorsements. Most-sought after endorser si Alden kaya binansagan siyang TV commercial king. Aprub!