BY MELL T. NAVARRO
Aprubado na sa House Subcommittee Level ang “Eddie Garcia Bill” – “the Act creating occupational and safety standards and welfare for the film, television, and radio entertainment industry,” o ang panukalang batas na nilikha para sa kaligtasan ng mga taong nagtatrabaho sa industriya.
Ito ay pagkalipas ng anim na buwang hearing sessions na pinangunahan ng House of Representatives Committee on Labor and Employment, chaired by Rep. Erik Pineda at ang Committee on OFW and Labor chaired by Rep. Raymond Mendoza.
Bukod sa kanyang mga naiambag sa Pelikulang Pilipino where he devoted 70 years ng kanyang buhay bilang aktor at direktor, ang “Eddie Garcia Bill” ang magsisilbing “legacy” ng iconic actor, kapag ito’y naging ganap na batas na.
Pumanaw ang beterano at legendary actor noong 2019 sa edad na 90 years old, nang maaksidente sa isang taping ng teleserye.
Nakagawa siya ng more than 600 films at tunay na naging haligi ng Pelikulang Pinoy.
Sa FAMAS Awards lamang, nanalo siya ng anim na best actor awards, limang best directors, at limang best supporting actors – making him the only artist na naluklok sa Hall of Fame sa tatlong kategorya.
***
Masaya ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño-Seguerra sa pagkaka-approve ng “Eddie Garcia Bill” sa unang level sa Kongreso, bagama’t mahaba pa raw ang tatakbuhin nitong proseso.
Sinabi rin ni Diño na matiyagang maghihintay ang kanyang tanggapan hanggang sa ito ay maging ganap na batas.
Post nito sa kanyang Facebook account: “Mahaba-haba pa ang lalakbayin nito. May mother committee pa, plenary, and then the Senate. But this is already a significant stride towards final approval.”
Dagdag niya: “Maraming salamat rin sa lahat ng resource persons na hindi bumitaw hangga’t hindi naaaprubahan ang mga provisions sa bill na ito.
“Representatives Mikee Romero, Vilma Santos, Ronnie Ong, Yul Servo, at sa iba pang authors na nag-jumpstart para masimulan ang bill na ito, salamat sa malasakit sa mga manggagawa ng Pelikulang Pilipino.”