BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Nabasa ko sa balita na ang COVID-19 raw sa Pilipinas ay nag-evolved na. Mas naging nakakahawa daw ito at masa naging mabagsik. Akala ko pa naman eh isang klase lang ang COVID-19, ngayon eh nag-evolve pa. Paano na natin lalabanan ang virus na ito eh lalo pang lumakas at lalong nakakahawa. Bakit ba nag-eevolve ang mga virus?
Walter ng Pasay City
Hi Walter,
Halatang-halata na mahilig ka sa Pokemon kaya ang ginamit mong salita eh evolved! Anong akala mo yung COVID-19 parang si Pikachu, nag-eevolve? Pwede naman ang evolve pero hindi cute ang virus para mag-evolve! Ang tamang term ay mutate. Nagmumutate ang COVID-19 at ang mga virus. Unfortunately, totoo siya, nagmutate nga ang COVID-19 dito sa Pilipinas at nakita ito sa Quezon City. Ang ibig sabihin ng mutate eh nagbago ng DNA component. Pero wag na tayo amg-focus dun. Ito lang ang simpleng explanation. Kapag pinapainom kaya ng antibiotic, kaya dapat sunod-sunod at dapat isang linggo o mahigit eh dahil kapag tinigil niyo, nagmu-mutate ang bacteria o virus. Nagiging mas malakas siya at nagiging immune sa dating gamot. Baga sa tao, kapag may utang sayo, nagtatago at nagpapalit ng anyo! Mas kumakapal ang mukha! Ingat tayo lahat!
*
Hi Alex,
Madami ang nawala ng trabaho sa Pilipinas. Nasa 45% na daw. Buti na lang may trabaho ka pa Tito Alex kasi ako wala na. Sana po turuan niyo ako maging writer na katulad niyo, o kaya comedian o kaya maging director. Sana may ganyan din akong talent sa inyo. Pwede ba niyo akong turuan?
Romy ng Montalban
Hi Romy,
Tuturuan kita tapos anong mangyayari? Papalitan mo ako, magiging writer ka na dito sa Tempo? Tapos saan ako, ako naman ang mawawalan ng trabaho! Paano naman ako? Hindi kita tuturuan! Kanya-kanya na muna tayo! Saka na kapag nakakaluwag-luwag na ako!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.