BY DANTE A. LAGANA
Kamakailan ay nagkaroon ng Zoom party ang grupo ng “TGIS” para i-celebrate ang kanilang 25th anniversary.
Ang “TGIS” ay sumikat noong 1995 na isang youth-oriented drama series na ipinalabas sa GMA-7.
Pero dito sa interview ng Tempo, ay sama-sama sila in person sa taping ng bagong game show ng TV5 na “Bawal na Game Show” na hosted by Paolo Ballesteros at Wally Bayola na eere sa Aug. 29 ng 7 p.m.
Sa chikahan na naganap sa video call via Messenger ay present sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Michael Flores at Bernadette Allyson. At kapag ganitong kausap ang dating sikat na loveteam ng “TGIS” ay hindi maiiwasan tanungin sila Bobby at Angelu kung nagkaroon ba sila ng “something.”
“Walang something, sometimes wala. Technically hindi nagkaroon ng pagkakataon,” tugon ni Bobby.
Giit pa niya, sa tagal nilang magkasama ni Angelu sa “TGIS,” inamin niyang may nadevelop siyang feelings para kay Angelu pero namayani pa rin ang friendship niya para sa aktres.
Sey naman ni Angelu, “We’d always say we’re more than friends but it doesn’t mean we’re lovers. I think yung friendship namin went beyond being we’re so comfortable with each other na parang hindi naman kailangan lagyan ng label and hindi rin naman kailangan umabot pa doon.
“Siguro kagaya nito, when we see each other, we’re the same as last time we did. Parang TGIS na walang ilangan, no hard feelings, walang bitterness.
“Nothing, it’s just pure friendship and that was what we treasure the most.”
Sa tanong naman na kung may communication pa rin si Angelu sa dati niyang karelasyon na si Joco Diaz.
“Hindi ako, anak ko na lang. Hindi na kami for not us personally but we are civil,” ang mabilis niyang sagot at sabay tawa.
Sinagot naman ni Bernadette Allyson kung paano ang pamilya niya hinanda ang mga sarili sa COVID-19 pandemic.
Aniya, “Nagstay lang kami talaga sa bahay. This pandemic serves as parang, ano rin, I just always tell my kids to look at the bright side. Kasi siyempre, hindi ko naman sila mapipigilan na mainip lalo ng yung mga bata. I tell them look at the blessings kasi kumpleto pa kaming pamilya.” Yun na!