BY ROWENA AGILADA
Reunited sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa upcoming drama anthology ng GMA-7. Weekly series ito na tampok ang iba’t ibang Kapuso stars.
Unang nagkatrabaho sina Alden at Jasmine sa pelikulang “Imagine You and Me.”
Ilang araw hindi napanood si Alden sa “Eat Bulaga” dahil nag -self-quarantine siya, pati na si Jasmine bilang paghahanda sa taping ng reunion project nila.
Super blessed talaga si Alden dahil kahit may COVID-19 pandemic ay sunud-sunod ang kanyang product endorsements. Visible siya sa TV dahil sa mga TV commercial niya na ipinapalabas, bukod pa sa napapanood siya sa “Eat Bulaga,” “All-Out Sundays” at sa re-run ng “One True Love.”
Mapapanood din si Alden sa isang episode ng GMA Public Affairs show.
May racket pa siya bilang on-line gamer na aniya, kumikita siya ng P100,000 sa paglalaro ng Mobile Legends.
Doubtful
Doubtful si Jessy Mendiola kung pakakasalan siya ni Luis Manzano. Four years na sila together, pero hindi pa rin ito nagpo-propose ng marriage. Beach wedding ang dream ni Jessy.
Ang katuwiran ni Luis, bata pa si Jessy at knows niyang marami pa itong gustong ma-achieve sa buhay.
Sa latest YouTube vlog ni Jessy ay nag-interbyuhan sila ni Luis at nasabi nga niya na duda siyang pakakasalan siya ng BF. Sey naman ni Luis na maghintay na lang.
Hanggang kailan? Mukhang naiinip na si Jessy maging legal wife. Hindi kaya?
Di isyu
Hindi isyu sa magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez kung naunang nagkabahay ni Sanya. May sarili na rin siyang kotse.
Walang inggit factor kay Jak kahit nauna siyang mag-artista kay Sanya. Nag-iipon na rin si Jak para magkaroon ng sariling bahay. May kotse at motorcycle na siya.