BY ROWENA AGILADA
Hindi pa rin fully recovered ang lungs ni Michael V. na tinamaan ng Covid-19. Aniya sa isang interbyu, hinihingal pa rin siya. Nagpasabi na siya sa GMA management na hindi pa niya kayang bumalik sa trabaho.
Magre-resume na ang taping ng “Bubble Gang” at Pepito Manaloto,” pero ani Michael, hindi pa siya komportable. Ayaw niya mag-take ng risk.
Ang paggawa ng vlogs ang pinagkakaabalahan niya na aniya, puwedeng gamitin sa segment o sketches, sakaling mag-require sa kanya ang production staff.
Nagpahayag si Michael V. na kapag okey na siya ay magdo-donate siya ng blood plasma sa COVID-19 patients.
POSTPONED
Dapat sana’y May next year ang kasal ni Kris Bernal sa fiancé niyang si Perry Choi. Dahil sa COVID-19 pandemic ay napagdesisyunan nilang end of 2021 ganapin ang kanilang wedding.
Three years na together sina Kris at Perry. Naging officially engaged sila last February this year. Magkasosyo sila sa isang restaurant business. Naapektuhan ito ng COVID pandemic, kaya pansamantala nilang isinara.
Nag-online food delivery at take-out muna sila.
POSTPONED DIN
Sa December sana this year ang wedding nina Angel Locsin at Neil Arce. All-set na ang lahat ng preparations. Pero dahil din sa COVID-19 pandemic ay postponed ang kanilang wedding na diumano’y sa Baguio sana.
Ayon sa ilang sources, may hotel bookings na last year pa ang mga kaibigan nina Angel at Neil.
Sa past interview sa kanila, sinabi nilang na-postponed man ang kanilang wedding date ay malapit din ang petsa sa original plan kapag itinuloy nila ang kanilang kasal.
Later part kaya ‘yun ng December or early January next year? Abang-abang na lang kapag may time.