BY RUEL J. MENDOZA
Walang pagsisi ang former Kapuso actress na si Nadine Samonte na hindi na siya aktibo sa showbiz dahil nagagawa niyang matutukan ang pag-alaga at paglaki ng dalawang anak nila ng kanyang mister na si Richard Chua.
Marami nang natuturo si Nadine sa kanyang panganay na si Heather pagdating sa paggawa ng house chores.
Sa recent post ni Nadine sa Facebook, makikitang naglalaba silang mag-ina at naging bonding moment nila ito.
“What a wonderful morning with my little Heather. She is so sipag. I let her do chores na din para at an early age marunong na siya at natuturuan na.
“Yes I love washing and ironing and cleaning. Mas gusto ko hands on ako sa ibang bagay kasi minsan our kids follow what we do.
“That’s the reason din kung bakit wala ako sa showbiz. I’m enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam. I love doing anything for them.”
Since the start of lockdown noong March, sa kanilang farm sa Zambales na nag-stay ang pamilya ni Nadine kunsaan malinis ang hangin at malayo sila sa kaguluhan ng Metro Manila.