BY ROWENA AGILADA
Natulala pala si KC Concepcion noong i-announce ni Piolo Pascual on national TV ang kanilang break-up. Inamin niya ito sa YouTube vlogger na si G3 San Diego.
Ani KC, it was a tough situation for them. Aniya pa, first time naging public ang pakikipag-relasyon niya kaya napakalaking bagay sa kanya ito noon.
Naalala pa ni KC noong dalawin siya ni Piolo sa set ng pelikulang “Greece” na ginawa niya with Richard Gutierrez. Kasama ni Piolo si Direk Joyce Bernal.
Ayon kay KC, tingin niya noon kay Piolo ay may halo ito sa ulo. Wala siyang masabi sa kabaitan ni Piolo.
Hindi naging madali para kay KC ang break-up nila. Hirap daw siyang mag-pretend na hindi na sila together.
“My regret? It has to end,” aniya.
Dagdag pa ni KC, she will always be watching him from afar.
Aysus!
Marami raw siyang natutunan sa relasyon nila noon ni Piolo. Isa na ‘yung kung mahal mo talaga ang isang tao, you have to trust that person. Tanggapin lahat ng bagay sa kanya at kailangang maging honest kayo sa isa’t isa.
PLANTITO RIN
Sa interbyu kay Piolo Pascual sa isang event, aniya, madalas niyang kasama ang kanyang pamilya ngayong quarantine period.
Naging plantito rin si Piolo. Nagtatanim siya ng mga gulay sa garden sa resthouse nila sa Mabini,Batangas.
May green thumb daw pala siya. ‘Yung mga nahaharvest nilang gulay ang madalas nilang kainin.
Ang pagwo-workout, pagtakbo at pagbabasa ng libro ang pinagkakaabalahan din ni Piolo.
Balita pa niya, natapos na niyang gawin ang isang pelikula.