BY ROWENA AGILADA
Mapanindigan kaya ni Angel Locsin na hindi pasukin ang larangan ng pulitika?
Marami ang nagsusulong sa kanya na kumandidatong senador sa 2022 elections, isa na ang Comelec Commissioner na si Rowena Guanzon. Confident ito na mananalo si Angel.
Gano’n din ang sinasabi ng supporters ng aktres na kahit ano’ng position ang takbuhan ni Angel ay mananalo siya.
But then, tahasang sinabi ni Angel na hindi siya interesado sa pulitika.
Aniya, public servant na rin ang turing niya sa sarili at sa mga artistang tulad niya. Tumutulong din sila kapag may kalamidad o matinding sitwasyon kinakaharap ng ating bansa, gaya ngayong may Covid-19 pandemic.
Subok na ang pagiging matulungin ni Angel na kamakailan ay tumanggap ng Centennial Champion Award mula sa Zonta Club of Makati and Environs.
Ito’y bilang pagkilala sa mga nagawa niyang tulong sa bayan.
COOL LANG
Nagpo-protesta ang fans and supporters ni Judy Ann Santos na hindi nominated for best actress sa 43rd Gawad-Urian Awards. Bakit daw hindi nakasama sa nominees ang kanilang idolo?
Hindi na-recognize ang akting ni Juday sa pelikulang “Mindanao” kaya masama ang loob ng kanyang fans and supporters. Cool lang ang aktres at hindi niya dinamdam na hindi siya nominated. Nirerespeto niya ang desisyon ng grupo ng mga Manunuri.
NEVER NGA BA?
Tuloy kaya sa pagiging loyal Kapamilya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Enrique Gil kahit nagsara na ang ABS-CBN?
Never daw nila iiwan ang network. Kaya?
What if, may tempting offer ang GMA7 at TV5 sa kanila?
Iba pa rin siyempre ‘yung napapanood sila sa free TV at hindi sa online lang. Hindi naman lahat ay nagsusubscribe sa online viewing at mas gusto pa rin ng karamihan manood sa telebisyon.