BY ROWENA AGILADA
Trabaho lang, kaya tinanggap ni Anjo Yllana ang offer ng Net 25 para mag-host ng upcoming noontime variety show, “Happy Time.”
Daily ito na magsisimula sa Sept. 14, 12 noon. Co-hosts niya sina Janno Gibbs at Kitkat.
Makakatapat ito ng “Eat Bulaga” kung saan 21 years naging bahagi si Anjo.
Aniya sa “Showbiz Talk Ganern,” masakit para sa kanya na iwanan ang naturang noontime show. Pero kailangan niyang gawin para sa kanyang pamilya. May mga anak siyang binubuhay.
Dahil sa COVID-19 pandemic ay nawala si Anjo sa “Sugod-Bahay” segment ng “Eat Bulaga.” Naging jobless siya.
Nang alukin siya ng Net 25, isang araw niyang pinag-isipan bago niya tinanggap. Maayos siyang nagpaalam sa pamunuan ng “Eat Bulaga.”
Ani Anjo, forever grateful siya kay Mr. Antonio Tuviera ng Tape Inc. sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging bahagi ng “Eat Bulaga.”
Sa “Happy Time,” tumatayo ring consultant, creative head at talent coordinator si Anjo.
TIWALA PA RIN
Good luck na lang sa co-hosts ni Janno Gibbs sa “Happy Time.” May track record siya na late dumarating. And yet, pinagkatiwalaan pa rin siya ng Net 25.
Nagkasama na sila noon ni Anjo Yllana sa “Eat Bulaga.”
Eventually, nawala si Janno. Nagkasama rin sila sa isang sitcom ng GMA7.
Insomniac siya ang dahilan ni Janno, kaya nahihirapan siyang gumising nang maaga at hapon o pagabi na siya nagigising.
Ayon kay Anjo, live show ang “Happy Time” sa pilot episode at taped na ang mga susunod na araw.
Pinag-iisipan pa rin nila kung kakayanin nila ang daily live show dahil may pandemya pa.
Siyempre, kailangang sundin ang health protocols.
Ang tanong, kakayanin naman kaya ni Janno gumising nang maaga?