BY DANTE A. LAGANA
SUNOD-sunod ang post ng star ng “Love Thy Woman” na si Sunshine Cruz sa kanyang Instagram Story tungkol sa pagha-hack ng isang tao sa kanyang emails at social media accounts.
Ipinost ni Sushine ang mga natanggap niyang mensahe galing sa hindi niya kilala na nakasulat: “Suspicious activity has been detected in your account. If you are having a problem, reply to this message to start live chat.”
Paalala ng aktres huwag daw basta maniniwala dahil hacker daw ito. Sumunod na ipinost ng aktres ay tungkol naman sa isang mensahe na nakasulat: “Hey Change your Instagram mail. Otherwise it will be hacked.”
Paalala uli ni Sunshine, “Eto pa po. Ingat po sa hackers lalo na kung may naka input po tayong credit card or may personal infos. Puwede po nila yan nakawin o gamitin.”
Sa updates ng kanyang pakikipagbuno sa hacker. Ani Sunshine, “Update regarding my email hacker, he wasn’t able to hack my IG and FB. Just my gmail account which is now being investigated by gmail. I suggest na lagyan po natin ng 2 factor authentication ang ating mga social media accounts and email. Better to be safe than sorry.”
Mukhang napagtagumpayan ni Sunshine ang pakikipagbakbakan sa hacker.
Saad ni Sunshine, “Ang bilis ng kamay ni hacker! Even if naka 2 factor authentication ang IG ko, dahil alam niya ang cellphone number ko, paulit-ulit nyang ginagamit ang cel. no. ko and code gets sent repeatedly sa akin asking for a security code. He also changed my email address na kailangan ko din ibalik sa dati. I immediately changed my cellphone number sa 2 factor authentication, changed my email address. And I think I won the battle! It is never right to steal someone’s account!”
Subalit sad to say noong Sept. 1 ay na-hack nang tuluyan ang Instagram ni Sunshine.
Ipinost niya sa kanyang Facebook ang screen shot message ng panghihingi ng pera ng hacker kapalit ng kanyang Instagram.
Sey ni Sunshine, “Sent by the hacker. Akala ko tapos na ito kagabi.”
“Family and friends if my IG suddenly disappears, just please be careful. Baka kasi gamitin ang account ko to do bad things. Please ingat po. I’ve been trying my best to resolve this but sadly, ayaw nya magpatinag. It’s not easy to reach IG help center. Kahit anong palit ko sa email at cellphone number ko he resets my IG then once makapasok ako, nagagawa nyang palitan ang email sa na hack nyang gmail account ko. Alam na din nya ang cellphone number ko na naka input sa hacked gmail ko.”
Anong next na hakbang ang gagawin ni Sunshine? Abangan! (Dante A. Lagana)