BY JUN NARDO
Pirma na lang ni Miss Universe Catriona Gray ang hinihintay para i-file ni Atty. Joji Alonso ang complaint-affidavit nito laban sa tabloid na nagpakalat ng umano’y nude photos ng former Miss Uniiverse.
Ito ang pahayag mismo ng lawyer-producer-director sa social media ukol sa complaint-affidavit na pipirmahan niya.
Bago lumabas ang naturang picture, nagbabala na si Atty. Joji na fake ang umano’y nude picture.
Gayunpaman, lumusot pa rin ito sa isang tabloid kaya gumawa na sila ng hakbang upang protektahan ang image ni Catriona.
BALIK-TV
Ikinasa na ang pagbabalik nina Boobay at Super Tekla sa bagong episode ng comedy show nilang “The Boobay and Tekla Show.”
May teaser na sa Instagram ang Kapuso Girl sa paghahanda nina Boobay at Tekla matapos itong matigil dahil sa pandemya.
Sa post ng Kapuso Girl, Sept. 13 ang muling pag-ere ng “TBATS” sa Kapuso Network at malaking tulong din ito sa dalawang dahil nawalan din sila ng trabaho dulot ng COVID-19.