BY RUEL J. MENDOZA
Para sa Kapuso actress na si Sanya Lopez, mas importante ang maunang ma-achieve ang dream house niya kesa sa magkaroon ng love life.
Noong mabigyan ng big break si Sanya via Encantadia noong 2016, pinangako niya na pag-iipunan niya ang makapagpatayo ng sariling bahay.
“Dati kasi, para akong nakatira sa isang maliit na apartment, sa Valenzuela ‘yon, isang room lang tapos paglabas mo, nandoon na lahat, napakaliit, halos hindi kasya ‘yung mga gamit.
“Biggest sacrifice siguro hindi ko naging priority ‘yung love life. Pero feeling ko malaking factor talaga ‘yung lovelife pagdating sa pag-iipon for me, kasi siguro kung siningit ko ‘yun, hindi ako masyadong focused,” tawa pa niya.
Nabiyayaan naman ng sunud-sunod na teleserye si Sanya kunsaan siya nagbida tulad ng “Haplos,” “Cain at Abel” at “Dahil sa Pag-ibig.”
Kaya napunta sa maganda ang pagiging masinop sa pera ng aktres dahil nakalipat na siya sa pinagawa niyang dream house.