BY ROWENA AGUILADA
Ayaw pa ring paawat si BB Gandanghari. Hinahamon naman niya si Piolo Pascual ngayon na magpakatotoo na. Magsalita na raw kung ano at sino ito para matapos na ang haka-haka ng lahat.
Just curious, ano kaya’ng reaction ng pamilya ni BBG, lalo na ang kapatid na si Robin Padilla sa pasabog niyang ito?
Ang daming galit na galit kay BBG dahil sinira niya ang pagkatao ni Piolo.
Si Ai-Ai delas Alas ay sinabihan si BBG na mag-move on na.
Buwelta ni BBG, ipokrita, plastic at kaibigang putik si Ai-Ai.
Sinumbatan pa niya si Ai-Ai na noong hindi pa ito sikat ay si Rustom lang ang kabigan nito.
May kilig pa kaya?
May kilig pa kaya kina Robin Padilla at Vina Morales?
Magsasama sila sa isang sitcom na mapapanood sa Net 25.
Ex-sweethearts sila at huwag nang mag-ilusyon ang kanilang followers na magkakaroon ng karugtong ang kanilang nakaraan.
In-assure ni Vina ang wifey ni Robin na si Mariel Padilla na hindi na maibabalik ang kahapon. Trabaho lang daw at walang personalan.
Kasal na lang
Kasal na lang ang kulang kina Enrique Gil at Liza Soberano.
Sa isang interbyu ay inamin ni Enrique na walang label ang kanilang relasyon at parang mag-asawa na ang turingan nila ni Liza.
Hinala nga ng ibang netizens ay magka-live-in na ang dalawa.
Ayon pa kay Enrique, sure namang pakakasalan niya si Liza dahil sobrang mahal niya ang dalaga.
Samantala, kapuwa nagpahayag ng kanilang loyalty sa ABS-CBN sina Enrique at Liza. Hindi raw nila iiwan ang network kahit nagsara na ito.
Balitang may gagawin silang show sa Kapamilya online channel.