BY RUEL J. MENDOZA
Kanya-kanyang raket ang mga artista ngayon.
Pinasok na rin ng “Survivor Philippines” season 1 contestant Jace Flores ang food delivery service ngayong may COVID-19 pandemic.
Noong maging inactive sa showbiz si Jace, naging successful ito sa network marketing, pero noong magkaroon ng lockdown na inabot ng ilang buwan, naapektuhan ang trabaho niya.
“Dahil may pamilya na tayo, we had to innovate so nagka idea si misis na magluto for our village. I agreed dahil napakasarap talaga ng mga luto niya.
“Then after a week I decided to market it online. Dun siya sumabog. Now we are catering to the whole Metro Manila and some parts of the north and south.”
Nabuo ang Asia-Win Food Corporation kunsaan president si Jace, CEO ang kanyang misis at tatlong kaibigan na umuupong chairman at executive directors.
Tinawag nila ang kanilang business na Paluto 2 Go.
Puwedeng mabisita ang kanilang website: www.Paluto2Go.com. Or ang kanilang Facebook page: www.Facebook.com/Paluto2Go.
Miss na rin ni Jace ang showbiz kaya tumanggap sya ng project titled “Obra Macabra” kunsaan kasama niya sina Iana Bernardez (daughter of Angel Aquino), Mico Aytona, and the late Menggie Cobarrubias.