BY MELL NAVARRO
Sabi nga nila, love knows no boundaries. Ang tunay na pag-ibig ay walang pinipiling edad, itsura, relihiyon, o nationality.
Sa kaso ni Harlene Bautista, love is lovelier the second time around.
Open book naman sa showbiz at sa publiko ang nangyaring paghihiwalay nila ng dati nitong asawang si Romnick Sarmenta.
Wala ring narinig na masasakit na salita mula sa magkabilang kampo, kaya naman nanatili rin ang respeto ng publiko sa kanila bilang celebrities.
But the actress-producer has finally moved on.
Sa Facebook account ni Harlene noong Sept. 5, binulabog nito ang lahat sa deklarasyon niya ng pagmamahal kay Federico Moreno, anak ng yumaong German “Kuya Germs” Moreno, mentor ni Harlene sa “That’s Entertainment” noong 1980s.
Harlene wrote, “Everything is clearer, lovelier and more right because of you. Looking forward to spending more of life with you. I love you, Freddie.”
May naka-post ring photos nina Harlene at Federico na pagkatamis-tamis ng kanilang mga ngiti.
May larawan rin ng isang regalong nakabalot, with matching gold ribbon.
Hula namin, tipong gift ito ni lalaki sa kanyang “iniirog.”
Sa sunod na post ni Harlene, napag-alaman na one month na ang kanilang relasyon.
Aniya, “Happy 1st month, my love. I never thought life would be sweet again. Thank you.”
We’re personally so happy for Harlene dahil she deserves all the happiness in the world. Napakabuti at matulungin niyang tao.
No wonder, siya at ang Kuya Herbert Bautista niya ay parehong awardees bilang Darling of the Press ng PMPC Star Awards sa magkaibang panahon.
Congrats again to Harlene and Federico!