BY RAMPADOR ALINDOG
Ginulantang ni Andrea Torres ang kanyang followers sa Instagram kamakailan nang mag-post ito ng black and white photo ng kanyang kamangha-manghang sexy figure.
Bumuhos ang positive comments mula sa netizens na tila na-inspire sa magandang pangangatawan ng aktres.
Sey nga ng isang fan, “That’s the real and legit definition of the word sexy!”
May isa pang nagsabi na tila si Andrea raw ang Kim Kardashian ng Pilipinas.
Siyempre pa, proud na pinusuan ng kanyang nobyo na si Derek Ramsay ang litrato.
Naki-join na rin ang mga celbrity friends niyang sina LJ Reyes at Sam Pinto.
Ayos!