BY MELL T. NAVARRO
TOTOO nga ang chikang magkakaroon ng tipong “exodus” ng Kapamilya stars sa TV5 network ni Mr. Manny Pangilinan dahil kumalat na ito sa social media.
Ayon sa balita, ang dating congressman at gaming mogul na si Mr. Albee Benitez at ang kanyang bagong Brightlight Productions ay nakapirma na ng multi-million block time deal (18 hours a week) for several TV shows sa Kapatid network!
President and CEO si Mr. Benitez at ang kanyang anak na si Jovi Benitez ay may top position rin dito, na bonggang-bonggang producer ng mga sumusunod na anticipated shows sa Kapatid Network:
“Laugh Out Loud” — noontime daily show hosted by Billy Crawford, Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, K Brosas and Wacky Kiray, directed by Johnny Manahan, head of ABS-CBN Star Magic.
A yet untitled Sunday noontime variety show with Piolo Pascual and Catriona Gray
“Rated Korina” — magazine show hosted by Korina Sanchez.
“Oh My Dad” — sitcom of Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Urieta, and Miss Gloria Diaz.
“I Got You” — a teleserye starring Beauty Gonzales, RK Bagatsing and Yen Santos, written by Antoinette Jadaone, directed by Dan Villegas.
“Sunday Kada Kada Sunday” — a gag show directed by Edgar Mortiz.
Nauna nang nag-collaborate ang TV5 with APT Entertainment (as blocktime producer) for shows na umeere na — “Bawal Na Game Show” (Paolo Ballesteros and Wally Bayola) and “Fill In The Bank” (Pokwang and Jose Manalo).
Other new TV5 shows now on air include: “Bangon Talentadong Pinoy” (weekly talent show hosted by Ryan Agoncillo), “Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy),” daily morning show with Pauleen Luna, Pokwang, and Ria Atayde; and “Fit For Life”, Sunday morning show hosted by Jessy Mendiola.
Kamakailan ay pumirma na rin ng exclusive contract si Ted Failon sa TV network pati na sa Radyo 5, kunsaan makakasama niya si DJ ChaCha.
Ayan, more and more new TV5 shows coming our way.
Hopefully, hindi lamang talents ang mabigyan ng trabaho dito, kundi pati na ang maraming production people na nawalang ng work magmula nu’ng magsara ang ABS-CBN sa pagkawala ng frequency nito.