BY RUEL J. MENDOZA
Nakapagdesisyon ang mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag na magsimula ng bagong buhay sa Los Angeles, California kasama ang kanilang tatlong anak.
Sa kanilang YouTube channel, pinakita na nag-iimpake sila ng mga gamit sa kanilang bahay. Nasabi lang ni LJ ay magbibigay siya ng iba pang detalye sa bago nilang lilipatan.
Ang kapatid na lalake ni LJ na si Rob Ricafort ang nag-share sa kanyang Instagram ng photo na pa-America na ang Alapag family.
“Man.. I love you guys. It’s making me sad just thinking about this. I have no place to go to just to raid the fridge for food. No but for real with every single thing that has happened in my life you guys have always been there to guide me back. You guys have been 2nd parents to me growing up. There’s so much to say but it’s not a goodbye. I’m excited for what’s in store for your family in Cali!” caption pa ng kapatid ni LJ sa IG post niya.
Dahil sa pag-migrate ng mag-asawa sa Amerika, marami silang isinakripisyo tulad na lang ng Lollicake Factory business ni LJ.
Si Jimmy naman ay iniwan na ang kanyang pagiging coach ng San Miguel Alab Pilipinas team.