BY RUEL J. MENDOZA
Kahit na uso na ang water birth at home, mas pipiliin pa rin ng Kapuso actress na si Nicole Donesa ang ipanganak ang panganay nila ni Mark Herras sa isang ospital.
“I wanna give birth pa rin sa ospital. We’ve been thinking about giving birth at home naturally, parang ginagawa ng ibang atista, parang water birth. Pero takot pa rin ako, I’m scared.
“Sobrang mababa lang ‘yung tolerance ko sa pain kaya feeling namin ang ending namin is sa hospital with my OB kahit masakit sa bulsa,” sey ni Nicole.
Sa January next year ang due date ni Nicole at kahit four months away pa ito, pinaghahandaan na raw nila ito ng kanyang fiance na si Mark.
“Lahat kami super excited and nagpe-prepare na ko lalo na ngayon I’m due on January 2021. So by December, kailangan na lahat, hindi lang ‘yung gamit ni baby, pati ‘yung gamit ko pang hospital kasi you’ll never know kahit due ako ng January baka sa December, puputok na ko, ‘di ba?”
Baby boy ang magiging panganay nila ni Mark na ang tawag nila rito ay Corky. Pinagdarasal ni Nicole na safe ang pag-deliver niya kay Baby Corky.
“Whether normal or cesarean, basta safe lahat. Sana walang COVID na mangyayari, siyempre. The whole thing is giving me anxiety. Sana my baby will be healthy, safe, and normal,” diin ni Nicole.