SA gitna ng pandemya, tinatayang lampas 24 milyong mag-aaral ang nag-enrol para sa Kindergarten hanggang Grade 12 ngayong school year 2020-2021. Ito ay base sa pinakahuling datos ng Department of Education nitong Setyembre.
Ang tanong, handa ka na ba sa “new normal” pagdating sa pag-aaral ng mga bata ngayong taon?
Bukod sa suporta ng mga magulang, mahalaga ang kumpletong school supplies para sa distance education at online learning setup ng mga bata. Kasama sa #AweSMLearning essentials ngayon ang mga tradisyunal na gamit gaya ng papel, lapis, notebook, mga libro; at mga makabagong gamit katulad ng computer tablet, laptops, at iba pang educational gadgets.
At dahil mahalaga para sa SM Supermalls ang patuloy na pagkatuto ng mga kabataan, inilunsad nila ang espesyal na programang “#AweSMLearning Week” simula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4. Ang #AweSMLearning Week ang simula ng taunang pagdiriwang ng SM Kids Month.
Matuto ng iba’t ibang homeschooling tips at shopping guide sa SM Supermalls social media accounts at sulitin ang maraming back-to-school promos at deals sa lahat ng SM malls nationwide.
Para sa mga bagong update sa learning gadgets, sumali lamang sa #SMTechAndGadgets Viber Community sa https://bit.ly/SMTechAndGadgets at bisitahin ang online gadget reservation portal ng SM Cyberzone sa smcyberzone.com/promos-events/dibs-x-deals/.
Para sa iba pang detalye kaugnay ng #AweSMLearning Week at #SMKidsMonth2020, bisitahin lamang ang smsupermalls.com.