BY ROWENA AGILADA
Sa tindi ng hirap at sakit na dinanas sa panganganak, feeling daw ni Coleen Garcia, e, ayaw niya nang umulit pa.
Kwento niya ito sa panayam ni Vice Ganda.
Dahil sa pandemic, sa bahay lang nanganak si Coleen via water birth.
Walang gamot, walang anesthesia at talagang tiniis ni Coleen ang sakit.
Nang tanungin ni Vice kung susundan ba nila agad si Amari, ani Coleen, sa sobrang sakit na naranasan, parang ayaw na niyang magkaanak pa.
NAGBAGO NA
Si Super Tekla ang kusang umalis sa “Wowowin” dahil feeling daw niya’y hindi siya mag-go-grow doon.
Kuwento pa ni ST sa YouTube channel ni Ogie Diaz, isa pang dahilan kaya umalis siya sa “Wowowin” ay dahil nagkakainitan na sa panghuhuli sa mga may masasamang bisyo that time. Ayaw niyang madamay ang programa ni Willie.
Aminado si ST na nalulong siya noon sa masamang bisyo. Naranasan niyang matulog sa kalsada for months.
Changed person na siya ngayon. Napapanood si ST sa “The Boobay and Tekla Show” sa GMA7.