BY ROWENA AGILADA
Spotted sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na namili ng mga halaman sa Elma’s Garden and Plants sa Tagaytay.
Naka-simple get-up lang sina Matteo at Sarah na parehong naka-t-shirts at pants with matching rubber shoes.
Na-starstruck ang mga nakakita sa Guidicelli couple na sobrang bait daw. Walang kaere-ere at hindi feeling mga sikat na celebrities.
By the way, posibleng matuloy na sa December ang virtual concert ni Sarah.
Sa tweet ni Direk Paul Basinilio, pinaghahandaan na nila ang major concert ni Sarah late this year.
Humihingi siya ng gabay ni Lord na mangyari ‘yun.
Tuloy kaya?
ELEGANTE!
Sa part two ng virtual house tour ni Bea Alonzo ay ipinakita na niya ang kanyang bedroom.
White and beige ang colors nito at may couch na aniya, paborito niyang pahingahan.
May mga scented candle na palamuti. May bathtub at chandelier ang bathroom. May collection ng mga pabango at skin care products ang vanity room.
Parang mini-department store ang walk-in closet ni Bea.
May collection siya ng different shoes, bags, sunglasses, wallets.
Sa isang area ng bahay ay nakasabit ang painting ng portrait ni Bea na bigay ni Aga Muhlach last year.
Nagkapareha sila sa isang Star Cinema movie.
Si Butch Payawal ang nag-paint ng portrait ni Bea.
May mini-gym at sauna ang house ng aktres. May guest room na may twin beds. May swimming pool, garden at lanai.
Elegant, cozy at sophisticated ang three-storey house.
DAMAY
Damay sa away ng Barreto siblings na sina Gretchen, Marjorie at Claudine ang kanilang respective children.
Ani Claudine sa interbyu ni Luchi Cruz-Valdes, hindi na niya nakakausap ang mga pamangkin niya.
Kumbaga, kanya-kanyang pamilya na sila. How sad!