BY JUN NARDO
Nabigla ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha nang makasama siya sa 100 Most Influential List ng The Outstanding Filipinos in America (TOFA).
Eh mga bigating personalidad ang kahilera niya gaya nina Manny Pacquiao, Lea Salonga, Monique Lhuillier at Bruno Mars kaya hindi siya makapaniwala sa pagpili sa kanya.
“Sa totoo lang, di ko nga alam kung bakit nila ako sinali du’n. Talaga? Sigurado ba kayo?” bulalas ni Lani sa virtual presscon kamakailan para sa “The Clash” Season 3 na mapapanood ngayong gabi ang second episode sa Kapuso Network.
Dagdag niya, “Kasi biro mo, sino ba naman ‘yung kasabayan ko? As in mga malalakas and malalaking tao?
“Mga shaker, mover, mga maimpluwensiyang tao talaga, as in ‘yung mga tao sa New York.
“Parang di ba, puwede sa iba na lang ako?”
Gayunpaman, nagpapasalamat na rin siya Lani sa recognition ng TOFA.
“I really am honestly, sincerely very honored and if they think that, you know, puwede naman pala ako isama, then thank you.
“Maraming-maraming salamat. Just really honored to be included in the Top 100 of the Filipino-American Influencers.”
Gaganapin sa Oct. 31 ang TOFA awarding ceremony via online.
Bukod kay Lani, kasama niyang judge sina Christian Bautista at Ai Ai de las Alas.