BY ROWENA AGILADA
Kasama ang ilang non-showbiz friends, nagbakasyon si Ellen Adarna at anak na si Elias Modesto sa isang private beach resort sa Cebu.
Tumalon silang mag-ina sa dagat mula sa yateng sinakyan nila at nag-jet ski.
For sure, tinuturuan na rin ni Ellen lumangoy si Elias.
Sayang at hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz. Hindi na ito nakakasama sa bonding moments ng kanyang mag-ina. Wala siya noong nagalusan sa tuhod si Elias. Si Ellen lang ang umalo sa kanilang anak para tumigil ito sa pag-iyak.
Mukhang pinaninindigan ni Ellen ang sinabi niyang hindi muna siya magso-showbiz for the next seven years para maging hands-on mom kay Elias, now two years old.
Threat kaya?
Hindi naman siguro threat sa ibang Kapuso stars ang bagong leading man ng GMA-7 na si Kelvin Miranda.
Bibida ito sa upcoming primetime series ng GMA News with Mikee Quintos as his leading lady.
Kapag nag-klik ang kanilang tambalan, posibleng i-build-up ang Kelvin-Mikee love team.