BY JUN NARDO
Tuloy na tuloy ang 2020 Metro Manila Film Festival!
Ito ang naging desisyon ng MMFF Committee sa huli nilang meeting.
Ani MMFF spokesperson Noel Ferrer, ang malaking pagbabago sa taon na ito e, online ang festival.
Maglalabas sila ng announcement sa makaka-partner nila na worldwide streaming service to showcase this year’s entries.
Binago rin ang deadlines ng submission ng finished films, huh!
Na-move ito sa Nov. 15 mula sa orihinal na Oct. 15.
Sa Nov. 30 naman ang deadline ng submission of finished films based on the approved scripts.
E dahil sa online na ang distribution, malamang na wala na tayong maririnig na reklamo tungkol sa unequal distribution of cinemas at ang nausong slide screening hours ng mahihinang entries, huh!
Wala pang announcement kung tuloy din ang tradisyunal na Parada ng mga Bituin tuwing Dec. 23.
Tuloy din
Naglabas na ng teaser ang Kapuso Network sa naudlot na weekly series ni Senator Bong Revilla, Jr. titled “Agimat.”
Kasama sa teaser ang picture ng pumanaw na ama ni Bong na si Senator Ramon Revilla, Sr.
Bale tribute na rin niya ito marahil sa ama na pinagmahanan niya ng taglay na “agimat.”
Sa Oct. 25, Linggo, ang nakalagay na telecast date ng “Agimat.”