BY ALEX CALLEJA
Ang column na it o ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Belated happy birthday po at sana naging masaya kayo sa birthday niyo! Birthday ko po bukas at nagpipilit ang mga kaibigan ko na magpunta sa bahay. Sinabihan ko na sila na ‘wag na kasi dahil nga sa pandemic pero nagpipilit pa rin. Ayaw ko talaga sila pumunta pero talaga makukulit at pupunta raw sila. Natatakot ako na baka mahuli kami ng pulis dahil sa social distancing. Ano ba ang gagawin ko para ‘wag na silang magpunta?
Weck ng Makati
Hi Weck,
Makukulit talaga ang mga kaibigan mo kasi malamang sabik lumabas ‘yan at gusto makalibre ng inom at pagkain. Gusto mo sila ‘wag pumunta, sabihin mo kanya-kanyang dala ng pagkain at alak! Mababawasan ‘yang mga pupunta sa inyo. Kapag may natira pa rin na makukulit talaga, mag-open ka ng group chat. Invite mo lahat ng mga pupunta pa rin tapos mag-usap kayo sa politika, sigurado, mag-aaway-away ‘yan at hindi na sila pupunta. Kapag may natira pa rin na pupunta, papuntahin mo na, mga isa o dalawa na lang ‘yan. Happy birthday rin sa ’yo!
*
Hi Alex,
May problema ako sa alaga naming aso. May lahi siyang aso at nasa loob ng bahay namin. Ang pagkain niya ay mamahaling dog food at lagi namin siyang pinapa-groom. Ang problema, kapag tumatae siya eh kinakain niya ang ebak niya (pasensiya na po sa mga kumakain). Minsan may natitira kaya nalalaman namin na tumae siya, minsan eh wala talagang bakas at mantsa na lang ang makikita namin. Paano kaya namin mababago ang ugali niya?
Luis ng Taguig City
Hi Luis,
Oo, kumakain ako habang binabasa ko ito. Saktong longganisa pa naman ang pagkain ko! Anyway, wala talaga sa lahi ang ugali ng isang aso, minsan mas malinis pa ang askal! Biruin mo dog food na ang pinapakain mo eh kinakain pa ang ebs niya! Pero ayaw mo nun, marunong siyang mag-recycle! Makakatipid ka! Kain, tae, at kain ulit! Nawalan ako ng gana kumain kaya damay-damay na tayong lahat!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo. com or facebook/twitter/ instagram: alexcalleja1007.